DUMALAW SA PUNTOD NI ERPAT, ITINUMBA

BATANGAS – Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob ng sementeryo sa Brgy. Mataywanak, sa bayan ng Tuy sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Victor William Pedraza, residente ng Brgy. Rillo, Tuy.

Ayon sa report, kasama ng biktima ang kanyang misis nang dalawin ang ang puntod ng kanyang ama sa Tuy Memorial Park Cemetery ngunit dumating umano ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pinaputukan si Pedraza dakong alas-5:45 ng hapon.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril habang

isinugod ang biktima sa Western Balayan Hospital subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang posibleng motibo sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

44

Related posts

Leave a Comment