Dumalo sa kasalan 4 NAKITULOG PINATAY NG ARMADONG GRUPO

patay

DEAD on the spot ang apat na kalalakihan habang isa nilang kasamahan ang malubha ring nasugatan sa pamamaril noong Martes ng madaling araw sa Barangay Baas, Lamitan City, Basilan.

Sa ulat na ibinahagi ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, kasalukuyang natutulog ang mga biktima sa loob ng isang bahay nang sumalakay ang hindi pa kilalang mga suspek at pinagbabaril ang mga ito bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Kinilala ni Verceles ang mga napatay na sina Gappal Mustapa alyas “Pagi”, isang menor de edad; alyas “Ardayan”, at Dammang Amoto, na pawang nakatira sa Barangay Bohe, bayan ng Ungkaya-pukan, Basilan.

Sugatan naman ang 18-anyos na si Muafiz Tamudjul, 18, ng Bohe Pahuh, Ungkaya Pukan, na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Base sa paunang imbestigasyon, dumalo ang mga biktima sa kasal ng isang kamag-anak noong Lunes ng hapon. Dahil ginabi ay nagpasyang makitulog na lamang at kinabukasan na umuwi subalit wala nang buhay nang magisnan ang apat na pinagbabaril ng sumalakay na mga kalalakihang  armado ng M16 rifles.

Nakuha sa crime scene ang isang M16 rifle at 16 empty shells ng 5.56 c amo. (JESSE KABEL RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment