DUPLIKADONG PAMBATO UMEKSENA SA QUEZON

quezon
0

PAGKALITO ang inaasahang dulot ng pagpasok ng mga aspiranteng ka-apelyido ng dalawang higanteng politiko sa lalawigan ng Quezon.

Sa salpukan para sa pwesto ng gobernador sa pagitan nina incumbent Gov. Danilo Suarez at Quezon 4th district Rep. Angelina “Helen” Tan, biglang lumutang at naghain din ng kanilang

certificate of candidacy (COC) ang dalawang iba pang kapwa Suarez din ang apelyido – sina Sonny Suarez at Romeo Suarez.

Bukod sa dalawang Suarez na naghain ng kandidatura, pasok din sa talaan ng mga aspirante sa pagka gobernador ang isang Frumencio Danilo “Sonny” Pulgar.

Sa panig naman ni Tan na una nang naghain ng kanyang kandidatura laban sa nakaupong gobernador, naghain din ang isang Jeson Haboc Tan.

Sa tala ng Commission on Elections (Comelec), siyam ang kandidato para gobernador ng Quezon.

Wala pang pahayag mula sa magkabilang kampo ng Suarez at Tan kung magpepetisyon sila sa Comelec kaugnay ng pagsulpot ng kanilang mga kapangalan, na karaniwang taktika sa hangaring manlito ng botante sa araw ng halalan. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment