“THANK you for your outstanding and excellent service to the Philippine nation.”
Ito ang mensahe ni House Majority Leader Martin Romualdez kay President Rodrigo Duterte na bababa na sa puwesto ngayong tanghali ng Hunyo 30 at papalitan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Bilang tradisyon, sasalubungin ni Duterte sa Palasyo ng Malacanang si Marcos bilang kanyang kapalit bago pumunta sa National Museum ang huli para manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Romualdez, mula rito ay magiging private citizen na si Duterte na uuwi na sa kanyang tahanan sa Davao City kung saan siya nagsilbing mayor sa matagal na panahon bago naging Pangulo.
“You are loved by patriotic and peace-loving Filipinos. You created the blueprint in making our country safe, secure, and connected. For these reasons alone, you are one of the most accomplished leaders the Philippines has ever had,” ayon pa sa Romualdez.
Sinabi ng mambabatas na maalala si Duterte ng sambayanang Pilipino sa kanyang Build, Build, Build” program dahil nagkaroon umano ng “new golden age for infrastructure development” sa bansa.
Hindi rin umano malilimutan ng mga Pinoy si Duterte sa kanyang “no-nonsense” campaign laban sa ilegal na droga at kriminalidad na naging dahilan kaya ligtas na nakagala ang mga tao sa lahat ng lansangan sa bansa.
Ilan lamang aniya ito sa mga legasiya ni Duterte bilang Chief Executive ng bansa sa nakaraang anim na taon na tiyak itutuloy aniya ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
“Together with President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., they will see to it that President Duterte’s efforts exerted in the past six years won’t go to waste; instead it will be their guiding light on the exit path from the COVID-19 pandemic and economic crisis,” ayon pa sa mambabatas.
“Again, thank you, Mr. President, for a job well done,” dagdag pa ni Romualdez.
Mataas na approval rating
Nanatili namang mataas ang approval rating ni Pangulong Duterte sa buong termino nito.
Ito ang makikita sa report ng Pulse Asia na inilathala nitong Lunes.
Sa katunayan, 73% ang bagong approval rating ni Pangulong Duterte ngayong Marso 2022, kumakatawan ito sa gradual rebound mula sa kanyang lowest total approval rating na 64% noong September 2021—tanging panahon na ang kanyang overall rating ay bumaba ng “below 70.”
Makikita sa ulat, na ang popularidad ni Pangulong Duterte ay hindi nawala sa loob ng anim na taon; ang kanyang pinakamababang rating ay maikukumparang mas mataas pa sa mga dating Pangulo ng bansa.
Sa Pulse Asia’s approval ratings, “Gloria Macapagal Arroyo only occasionally made it above the teens in her last three years in office, while Benigno S. Aquino’s ratings generally declined from 78% in October 2010 to 39% in July 2016 as he made way for Duterte. Joseph Estrada, meanwhile, was at 71% approval in May 1999 and 38% in December 2000, a month before his resignation,” ayon sa ulat.
Sa pinakabagong poll, naka-iskor si Pangulong Duterte ng highest approval sa Mindanao na may 89%, sinundan ng National Capital Region na may 74%.
Naka-iskor naman si Pangulong Duterte ng 70% sa Balance Luzon, habang nakakuha naman ito ng lowest rating sa Visayas na 61%.
Sa income class, nakakuha si Pangulong Duterte ng pinakamataas sa hanay ng ABC na may 77%, sinundan ng Class D na may 73%. Naka-iskor naman ng pinakamababa sa gitna ng nananatiling mataas, sa hanay ng Class E na may 72%.
Nakasungkit naman si Pangulong Duterte ng identical o magkaparehong 73% approval rating sa urban at rural areas para sa buwan ng Marso ngayong taon.
Nakapagtala naman si Pangulong Duterte ng kanyang “highest approval rating” na 91% ng dalawang beses, isa noong Setyembre at Nobyembre 2020, ito’y sa gitna ng COVID-19 pandemic at ang COVID-19 vaccination ay hindi available sa publiko noong panahon na iyon.
Ang 73% approval rating ni Pangulong Duterte nitong Marso ay kasabay naman ng pangunguna ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa vice presidential surveys.
Hindi kailanman bumitaw ang pangalan ni Sara Duterte sa palaging nangunguna sa survey hanggang sa manalo ito bilang bise-presidente noong May 2022 vice presidential race kung saan humamig siya ng 32 milyong boto. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)
