ECOP KINASTIGO NI REP. TULFO SA PAGTUTOL NA MAG-HIRE NG PWDs

SERMON ang inabot ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo dahil hindi ito sang-ayon sa panukalang batas na mag-oobliga sa mga pribadong kumpanya na mag-hire ng persons with disabilities (PWDs).

Ayon kasi sa House Bill 8941 na inihain ni Cong. Tulfo at mga kasama na sina Rep. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, Ralph Tulfo, at Wilbert Lee kailangan mag-hire ng 2% ng workforce ng isang kumpanya na may 1,000 employees at 1% naman sa small businesses na may 100 or less na empleyado.

Hindi pinalagpas ni Tulfo ang tila pagtutol ng resource person ng ECOP sa nasabing panukalang batas. Sinabi kasi ng tagapagsalita ng ECOP, “Additional training, facilities, and equipment if a business is mandated to hire a PWD…therefore additional cost”. “Yan ang lagi ninyong palusot. Additional training and facilities kaya dagdag gastos sa employer,” buwelta ni Tulfo.

Aniya, “Siyempre mag-hire ka ng PWD na kakayanin niya ang trabaho. Example pwede mga may kapansanan sa paglakad sa front desk o office o mga IT”. “Bakit ka magha-hire ng PWD na hindi niya kaya? Kasalanan mo if kumuha ka ng PWD na hindi niya kaya ang trabaho dahil sa kanyang kapansanan,” dagdag pa ng House Deputy Majority Leader.

Muling uminit ang ulo ng mambabatas nang malaman mula sa chairman ng Special Committee on Disabilities Cong. Alfelito Bascug na hindi dumalo sa pagdinig ang Civil Service Commission bagamat inimbitahan ito.

“Wala silang binigay na dahilan kung bakit hindi sila nakadalo sa hearing natin ngayon,” ani Cong. Bascug.

“Mukhang walang respeto sa komiteng ito ang CSC Mr. Chair… Bakit hindi na natin i-subpoena sila,” saad ni Tulfo. Sumang-ayon naman si Bascug sa kahilingan ng iba pang miyembro ng komite na i-subpoena na ang CSC sa susunod na hearing.

21

Related posts

Leave a Comment