Entries tinatawagan na QC GREEN AWARDS OPISYAL NANG BINUKSAN

NANAWAGAN ang Quezon City Government sa barangays, Sangguniang Kabataan, youth-based organizations, at businesses na ipakita ang kanilang pinakamahusay na kasanayan sa disaster resiliency and sustainability na kikilalanin bilang kauna-unahang Quezon City Green Awards.

Matatandaan noong nakaraang Mayo, ang Quezon City Green Awards ay kinilala at binigyan ng insentibo ang mga grupo at organisasyon sa pagpapatupad ng natatangi at enklusibong mga programa sa Disaster Risk Reduction and Management and Climate Action.

“Initiatives and solutions to the adverse effects of climate change and disasters should be people-centered and truly responsive to the challenges faced by and the circumstances of the communities. Their ideas will help the city develop better programs for every QCitizen, particularly for those who are most vulnerable and marginalized,” ani Mayor Joy Belmonte.

Ang awards ay may tatlong kategorya – Green Award, Resiliency Award, and Green and Resilient Champion.

Ang Green Awards ay kinikilala ang mga institusyon na gumagawa ng mahalagang kontribusyon sa pagtugon sa climate change at pagsusulong ng mga napapanatiling kasanayan, habang ang Resiliency Award ay parangal sa mga inisyatiba na magpakita ng katatagan, kahandaan at pagtugon sa harap ng natural- or human-made-induced disaster. Sa kabilang banda, ang Green and Resilient Champion award ay ibibigay sa businesses at barangays na nagpasimula ng mga natatanging kasanayan na pagtugon sa mga epekto ng climate change and disasters.

Karagdagan nito, tinalakay ang mechanics ng awards na isinagawa ng lungsod sa Green Awards training sa mga kalahok na ginanap mula Hunyo 3 hanggang 10.

Ang interesadong mga grupo at samahan ay maaaring magparehistro sa QC Green Awards microsite (greenawards.quezoncity.gov.ph).

Ang entries ay kailangang isumite sa pamamagitan ng official Google form na makikita sa parehong site, kasama ang lahat ng kaukulang means of verification and documents. Ang deadline for submission ay sa Hulyo 15, 2023.

Ang bawat entry ay isasailalim sa masinsinang pagtatasa at field validation ng piling city departments.

Ang finalists ay magkakaroon ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga programa sa Green Awards pool of judges.

Ang kabuuang labing anim (16) exemplary organizations at institusyon ay bibigyan ng parangal sa Oktubre.

Sila ay tatanggap ng trophy at cash grant na gagamitin nila sa kasalukuyan at paparating na climate action at disaster risk reduction and management projects.

Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan kaugnay sa QC Green Awards, bisitahin lamang ang greenawards.quezoncity.gov.ph o kontakin ang Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) sa 8988-4242 locals 8348 / 8349 / 8359 / 8360.

Maaari ring magpaabot ng mensahe sa pamamagitan ng email sa inquire.greenawards@quezoncity.gov.ph.

(JOEL O. AMONGO)

65

Related posts

Leave a Comment