EQUIPMENT OPERATOR NADAGANAN NG PAYLOADER, PATAY

BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang heavy equipment operator nang madaganan ng kanyang minanehong payloader sa Brgy. Sawang, sa bayan ng Lobo sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Noel Lopez, 43, residente ng Brgy. Laiya, San Juan, Batangas .

Batay sa report ng Lobo Police, dakong alas-1:30 ng hapon, minamaneho ng biktima ang payloader at patungo sa pag-rescue sa dump truck ng kanilang kompanya na nabalaho sa putikang bahagi ng kalsada.

Subalit habang paakyat  ang payloader sa matarik at madulas na daan, hindi ito kinaya ng sasakyan at umatras itong pababa.

Pagkaraan ay sumalpok ito sa mataas na bahagi sa gilid ng kalsada dahilan para bumaliktad ito. Tumalon ang biktima subalit hindi ito nakalayo at nadaganan ng nasabing heavy equipment.

Agad namang sinagip ng mga awtoridad ang biktima at isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay. (NILOU DEL CARMEN)

25

Related posts

Leave a Comment