ESTADO NG PAG-IISIP NG ‘KILLER’ TOTOY SUSURIIN

HINILING ng local Department of Social Welfare and Development at Municipal Health Office na isailalim sa neuro-psychiatric test ang 16-anyos na binatilyong nakapatay sa kanyang ina at malubhang ikinasugat ng kanyang ama matapos niyang hatawin ng martilyo sa bayan ng Anini-y sa Antique.

Ayon kay Police Major John Paul Guay, hepe ng Anini-y Municipal Police Station, nasa kustodiya na ng DSWD ang binatilyo na itinuturing ngayon bilang ‘child in conflict with the law’ (CICL).

Ito ay makaraang lumabas sa inisyal na pagsusuri ng Anini-y Municipal Health Office na dumaranas ng depresyon ang binatilyo dahil puro aral

lamang ang ginagawa at hindi pinapayagan ng mga magulang na lumabas ng bahay kahit minsan.

Nabatid na hinataw ng martilyo ng binatilyo ang kanyang mga magulang habang naghahanda sa kanilang pagtulog sa Barangay Magdalena.

Idineklarang dead on Arrival sa pagamutan ang ina nitong si Mildred Datuin, 52, habang nilalapatan pa ng lunas ang ama nitong si Rolly dahil sa head injuries.

“Ang findings ng ating MHO (Municipal Health Office) nagsa-suffer ng depression ‘yung CICL at nai-refer na po for neuro-psychiatric evaluation,” ani Major Guay.

Nabatid na mismong lolo umano ng suspek na kinilalang si Francisco Seduco ang nagtungo sa pulisya para i-report ang krimen na ginawa umano ng kanyang apo sa kanyang mga magulang noong nakaraang linggo.

Tinangkang tumakas ng binatilyo tangay ang P14,000 cash ng kanyang mga magulang ngunit nadakip din sa kabilang barangay kinabukasan nang masabat sa inilatag na checkpoint. Napag-alaman na nagalit umano ang suspek dahil hindi siya pinalalabas sa kanilang bahay ng kanyang ina at nakatutok lang sa pag-aaral.

“Nape-pressure din ng nanay para ma-maintain ang grades, matalino itong CICL natin at honor sa kanilang school po. Dahil sa pressure, hindi pinapalabas para makatutok sa pag-aaral, walang outlet ‘yung CICL natin sa mga kaibigan sa labas. Nag-aaral lang. Sa balita natin naabot ng madaling araw sa pag-aaral ‘yung bata,” sabi ni Guay.

“Sa mga kaibigan niya nung inimbitahan siyang lumabas, sabi niya patayin ko muna nanay ko para libre na ako,” kwento ni Guay sa panayam. (JESSE KABEL)

5

Related posts

Leave a Comment