ESTUDYANTE ITINUMBA SA CALAMBA

0

LAGUNA – Patay ang isang 20-anyos na estudyante makaraang pagbabarilin sa Calamba City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Bryan Ben Jaurigue Victoriano, 20-anyos, residente ng Barangay Lecheria.

Ayon sa report ng Calamba City Police, bandang alas-4:30 ng hapon, nakaupo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang hindi kilalang suspek na armado ng maiksing baril.

Bigla na lamang nitong pinagbabaril ang binata na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Isinugod sa Pamana Hospital sa Calamba City ang biktima ngunit binawian ng buhay bago pa man makarating sa pagamutan. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment