ESTUDYANTE TINANGAY NG AGOS SA LAGUNA FALLS

LAGUNA – Nalunod ang isang estudyante nang tangayin ng flash flood sa Bukal Falls sa Brgy. Bukal, sa bayan ng Majayjay sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Majayjay Police ang biktimang si Nathaniel Flores.

Ayon sa report, dakong alas-2:00 ng hapon, nagtungo sa nasabing falls ang biktima kasama ang apat na kaibigang babae at tatlong lalaki para sa school thesis

Subalit dakong alas-3:00 ng hapon, habang ang biktima at isang kasama na si Jhunel Singca ay nasa ilalim mismo ng falls nang biglang rumagasa ang malaking agos ng tubig.

Bunsod nito, tinangay ng malakas na agos ang dalawa hanggang sa hindi na nakita si Flores.

Natagpuan naman ng rescue team si Singca na nakaakyat sa isang malaking bato.

Dakong alas-6:20 ng gabi nang marekober ang wala nang buhay na si Flores.

Ayon sa grupo ng biktima, hindi naman umuulan sa lugar kaya hindi nila inaasahan na lalaki ang tubig sa falls at sa ilog. (NILOU DEL CARMEN)

10

Related posts

Leave a Comment