ESTUDYANTENG NAGHIHINTAY NG SUNDO HINOLDAP

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang holdapin ang isang 23-anyos na estudyante habang hinihintay ang ama na susundo sa kanya sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Juanito Alejo y Garcia, 43-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Brgy. Sta. Fe, Dasmariñas City habang nakaupo ang biktimang si Camille Espiritu y Rodriguez, isang estudyante, at hinihintay ang kanyang ama na susundo sa kanya.

Bigla umanong lumapit ang suspek, nagdeklara ng holdap at hinablot ang kanyang cellphone.

Nagsisigaw naman ang biktima na nakatawag pansin sa mga tao sa lugar kabilang ang ilang barangay tanod na humabol sa suspek at inaresto ito.

(SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment