EVACUATION CENTERS BILL APRUB NA SA KAMARA

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtayo ng evacuation centers sa bawat siyudad at bayan sa buong bansa.

Sa botong 307, pabor at isa ang kumontra, tuluyang pinagtibay ang House Bill (HB) 7354 o “An Act Establishing Evacuation Centers in Every City and Municipality” at hinihintay na lamang ang bersyon ng Senado bago ito maipatupad.

Sakaling tuluyan  itong maging batas, magkakaroon ng evacuation centers sa 1,488 munisipalidad at 146 siyudad sa buong Pilipinas kung saan dadalhin ang mga taong maaapektuhan ng paparating na kalamidad.

Sa ngayon ay tanging sa mga eskuwelahan dinadala ang mga taong inililikas kapag panahon ng kalamidad subalit nais ng mga mambabatas na magkaroon ng evacuation centers upang hindi maabala ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Nakasaad sa inaprubahang panukala na ang itatayong evacuation centers ay hindi masisira kahit magkaroon ng 7.2 magnitude na lindol o kaya bagyo na umaabot sa 230 kilometers per hour na hangin.

Bagama’t ang national government sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang magtatayo ng pasilidad ay pangangasiwaan ito ng LGU at maging ang pangangalaga sa pasilidad. (BERNARD TAGUINOD)

146

Related posts

Leave a Comment