EX-BATANGAS VICE GOV NATAGPUANG PATAY

NANGANGAMOY na at pinaniniwalaang ilang araw nang patay nang matuklasan ng anak, pulis at barangay officials ang bangkay ni dating Batangas vice governor Richard “Ricky” Recto y Gonzales, 59, na may tama ng bala ng baril, sa kanyang bahay sa Pasig City.

Ayon sa ulat, humingi ng saklolo sa pamamagitan ng Viber si Raina Galang Recto dakong alas-5:00 ng hapon sa sub-station hinggil sa insidente.

Agad namang tinungo nina Rosario Dela Cruz, Cpl. Cachuela, barangay officials, Security Personnel OIC Marvin Aurelia ang Valle Verde 6 kung saan natuklasan ang bangkay ng biktima na nakaupo sa boy chair at may unan sa dibdib habang hawak ang baril sa loob ng master’s bedroom dakong alas-6:00 ng hapon noong Disyembre 5, sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ang dating vice governor ay kapatid nina House Deputy Speaker Ralph Recto at Roxanne Recto.

Matatandaan, ang yumaong si Ricky ay inaresto ng mga awtoridad noong Hulyo matapos sampahan ng kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act ng kanyang dating kasintahan. (ENOCK ECHAGUE)

59

Related posts

Leave a Comment