EX COP SA ROAD RAGE ‘DI PA NAGSAULI NG RETIREMENT PAY

KINUMPIRMA ni Senador Francis Tolentino na hindi pa rin ibinabalik ng dating pulis na nasangkot sa road rage ang kanyang retirement pay kahit ipinasasauli na ito sa kanya.

Sinabi ni Tolentino na may kautusan na ang Philippine National Police kay Wilfredo Gonzales na ibalik ang kanyang retirement pay.

Naniniwala si Tolentino na sinasadya ni Gonzales na hindi sundin ang atas ng PNP.

Dapat din anyang sumailalim sa psychological tests si Gonzales bago isyuhan ng bagong lisensya.

Inirekomenda ni Tolentino sa PNP na ipagpatuloy ang ebalwasyon sa mga pulis upang maiwasan ang mga hindi nararapat na aksyon ng mga dapat na tagaprotekta ng taumbayan.

“Hindi lang at the first instance. Dapat continuing yung evaluation. Isa sa mga opisinang dapat palakasin dito ay ang human resources ng PNP,” diin ng senador.

(DANG SAMSON-GARCIA)

233

Related posts

Leave a Comment