EX-FLIPTOP BATTLE RAP ARTIST, KASAMA HULI SA DROGA

CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang kilalang dating fliptop battle rap artist at kasama nito sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Ian Ramos y Ibañez, alyas “Kakay”, 24, fish vendor, ng Brgy. Bucal, Tanza, Cavite, at ang kilalang fliptop battle rap artist na si Papew o Jasper Joshua Advincula y Tuyo sa tunay na buhay, 32, isang electrician, ng Brgy. Bucal, Tanza, Cavite.

Ayon sa naantalang ulat, dakong alas-9:45 noong Biyernes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Tanza MPS sa Brgy. Bucal, Tanza, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money.

Nagsimula ang  fliptop battle ni Papew  mula 2010 hanggang 2012 hanggang nawala siya sa eksena subalit bumalik sa fliptop stage noong 2018 habang inaasikaso ang kanyang printing  business pero nalugi ito na dahilan ng malimit na pag-aaway nilang mag-asawa hanggang sa inabutan ng pandemya noong 2020.

Ito umano ang nagtulak sa kanya para bumalik sa paggamit ng droga, hanggang humantong sa pagkakaaresto sa kanya. (SIGFRED ADSUARA)

93

Related posts

Leave a Comment