KASADO na ang pagsisimula ng pilot face-to-face classes sa mga pribadong eskuwelahan sa darating na Nobyembre 22.
Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na target ng departamento na isama ang 20 private schools kabilang na ang international academic institutions.
“Ang formal na [umpisa ng face-to-face classes] ay Nov. 15 [for the public schools], 22 for the private schools,” ayon kay Briones.
Mula sa inisyal na 100 public schools na lalahok sa pilot run, hiniling ni Briones na 20 private schools ang idaragdag na inaprubahan ng Department of Health.
Sinabi ni Briones, isa lamang na international school ang nagsumite ng kanilang plano para sa face-to-face classes sa DepEd, na rerebisahin din ng DOH. (CHRISTIAN DALE)
