FACE SHIELDS SA PAGAMUTAN NA LANG SA LIPA, BATANGAS

NAGLABAS ng special ordinance ang konseho ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa, Batangas na tanging sa mga pagamutan na lamang magiging mandatory ang pagsusuot ng faces shields.

Nirebisa ang kanilang ordinansa No.312-2021 bilang pagsunod sa public health protocol sa kanilang lungsod na requirement ang pagsusuot sa mga pagamutan at klinika ng face shields.

Napagkasunduan ng mga awtoridad na upang maipagpatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus sa kanilang lugar, kinakailangan na panatilihin ang pagsunod sa alituntunin.

Kailangan ding maglagay ng mga signage sa mga establisyimento upang sundin ang patakaran ng mga papasok roon.

Samantala, naitala noong araw ng Huwebes ng Department of Health CHD 4-A ang 1,848 na aktibong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon ng Calabarzon. Nasa 189 na ang mga gumaling sa sakit habang 13 naman ang binawian ng buhay.

Pinakamaraming aktibong kaso ang lalawigan ng Rizal na may 816 habang sumunod ang Cavite na may 310 na kaso, sunod ang Laguna, 273, sa Batangas ay may 219 habang 44 naman sa Lucena City. (CYRILL QUILO)

1

Related posts

Leave a Comment