FAVORITISM SA PHILMECH ITINANGGI NI DIR. ALVINDIA

ITINANGGI ni Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director IV Dr. Dionisio Alvindia, ang napaulat na “favoritism” sa PhilMech.
Ayon kay Dir. Alvindia, ang bagong assignment ng walong PHilMech personnel sa mataas na position ay nararapat lamang dahil sila ang nakapagbigay ng mahusay at dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang trabaho sa PHilMech para sa kanilang stakeholders.

Sinabi ni Dir. Alvindia, highly qualified at competent ang walo sa kanilang bagong position bilang Deputy Director at Division chiefs at ang mga ito ay lahat PHilMech employees at may mataas na qualifications at pinag-aralan taliwas sa lumabas na report at alegasyon na taga-labas sila at walang karanasan sa larangan ng agrikultura.

Samantala, ang walo namang opisyal na pinalitan sa posisyon ay may nakabinbing kaso ng administratibo at sila rin ang dahilan ng pagkakaantala ng implementasyon ng mga proyekto sa PHilMech na magbibigay sana ng benepisyo sa milyon-milyung magsasaka sa bansa.

“Four of the replaced PHilMech officers were linked to the tractor case, and are now under preventive suspension to avoid them from interfering in the ongoing investigation against them,” sabi ni Dir. Alvindia.

Habang ang apat pang opisyal ay siya naman dahilan ng pagkaantala ng magagandang proyekto ng PhilMech na dapat sana pinakikinabangan na ngayon ng mga magsasaka.

Inihayag pa ni Dir. Alvindia na ang kaganapan ngayon sa PhilMech ay bahagi ng programa ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na linisin at tanggalin ang mga corrupt, incompetent at negligent personnel sa alin man sangay ng pamahalaan.

Aniya, ang suspensyon ng walong PHilMech officials ay para mapabilis ang pagpapatupad ng magagandang programa ng gobyerno tulad ng PHilMech Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), mechanization program at Coconut Industry Development Fund (Coco levy).

Si Dir. Alvindia ay umupo sa puwesto noong  March 2022 at nangakong ipatutupad ang mga proyektong isinusulong ni Pangulong Marcos para sa kapakanan ng milyon-milyong magsasaka upang maging “food sufficient” ang bansa.

132

Related posts

Leave a Comment