FIESTA NG STO. NIÑO PINAGHAHANDAAN NA

HINDI pa man sumasapit ang pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, pinaghahandaan na rin ang fiesta ng Sto. Niño sa Tondo at sa Pandacan sa ikatlong linggo ng Pebrero.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo III, umaga nitong Miyerkoles nang isagawa nila ang plano para sa darating na kapistahan sa Sto. Niño de Tondo, may ilang metro lamang ang layo ng simbahan sa Manila Police District Moriones Police Station 2.

Katuwang sa plano si Police Major Mark Christopher Del Mundo, Deputy chief at si Police Major Joseph Jimenez, chief intel, at Block commander ng Asuncion Police Community Precinct, sa ilalatag na seguridad ng pagdiriwang.

Nagpulong sa conference room ng nasabing himpilan ng pulisya sa panulukan ng J. Nolasco at Morga Streets sa Tondo, si Msgr. Jerome Reyes ng Sto. Niño Parish Priest at ang mga punong barangay na sumasakop sa fiesta ng Tondo, upang magbigay ng payo sa gagawing plano para sa seguridad ng nasabing okasyon.

Layunin ni Lorenzo na pangalagaan, maipatupad nang payapa at maging masaya ang mga mananampalataya, mga deboto at mga residente sa lugar na pagdarausan ng pagdiriwang.

Sisikapin nito na pigilin ang anomang banta ng karahasan, tulad ng rumble ng mga kabataan, snatching, salisi at holdaper na sakit ng ulo sa nakasasakop sa area ng Station 2.

Bukod sa mga tauhan ni Lorenzo, magdadagdag ng mga pulis si P/BGen. Jonnel Estomo, chief ng NCRPO, na ikakalat sa bawat kalye ng Tondo.

Sa Sto.Niño sa Pandacan ay sinisimulan na rin ang plano sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon sa kaparehong petsa ng kapistahan.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, ang tinaguriang na “game changer”, sa pagpapatuloy ng kanyang kampanyang Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation at “Malasakit,  Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran”.  RENE CRISOSTOMO)

44

Related posts

Leave a Comment