FIRE DRILL IKAKASA RIN SA MALAKANYANG

malacanang

NAKATAKDA ring magsagawa ng fire drill sa mga gusali sa Malacañang Complex makaraang ikasa ang earthquake drill ngayong taon.

Ayon kay Architect Reynaldo Paderos ng Office of the President (OP) Engineering Office, nangangasiwa sa gusali ng New Executive Building (NEB) sa Malacañang Complex, itatakda nila ang fire drill para bigyan din ng kaalaman ang lahat ng opisyal at kawani sa iba’t ibang tanggapan kung papano tutugon sakali’t magkaroon ng malaking sunog sa alin mang bahagi ng Malacañang Complex.

Winika pa ni Paderos, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay para maiwasan ang anopamang insidente ng pagkasawi o pagkasugat ng mga tao.

Winika naman Jerald Bautista, OIC ng general services division ng NEB na may nakatakdang pondo sila para sa taong ito para ipambili ng mga emergency equipment, medical at first aid kits para magamit sa panahon ng emergency at ganitong mga uri ng pagsasanay.

Sa kabilang dako, maayos namang naisagawa ang earthquake drill kahapon ng umaga sa NEB.

Tinuran ni Padernos, kumpiyansa siya sa mas matatag ngayong new executive building at iba pang gusali sa Malacañang dahil isinagawa muna rito ang retrofitting bago ang renovation.

Gayunpaman, napuna ni Arch. Padernos na may ilang hindi nagsilabas ng kanilang tanggapan sa kasagsagan ng earthquake drill.

(CHRISTIAN DALE)

272

Related posts

Leave a Comment