FLEXI WORK SCHEMES SA NCR KONTRA TRAPIK

HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensya ng gobyerno sa Kalakhang Maynila na i-adopt ang Policies on Flexible Working Arrangements (FWAs) sa gobyerno bilang suporta sa kasalukuyang inisyatiba para i-improve ang sitwasyon sa trapiko.

“The National Capital Region (NCR) has the largest number of government workers in the country, with 440,009 or 22.30 percent of career and non-career personnel. The prevailing traffic conditions in the metro not only hinder their mobility but also impact their productivity, particularly for those who commute daily. By adopting the FWA, we can not only enhance their efficiency but also safeguard their health, safety, and welfare,” ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles.

Gayunman, binigyang din ni Nograles na ang pagsang-ayon sa FWA ay nasa diskresyon ng pinuno ng ahensya, dapat lamang ay tiyakin sa mga stakeholders at kliyente ang patuloy na paghahatid ng serbisyo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kabilang na ang lunch break, sa panahon ng work week.

“Atin pong siguruhin na hindi matitigil ang pagbibigay ng maayos, mabilis, at maaasahang serbisyo publiko buong linggo kahit na tayo ay may FWA,” ayon kay Nograles.

Sa ilalim ng MC 6, maaaring pumili ang ahensya ng pamahalaan na i-adopt ang alinman sa anim na FWAs upang magawang suportahan ang mekanismo para sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

(CHRISTIAN DALE)

97

Related posts

Leave a Comment