BITBIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Vietnam sa susunod na linggo ang mga usapin ukol sa food security, agricultural cooperation, trade, at mahalagang regional at international issues.
Nais ng Pangulo na talakayin ang mga nasabing isyu sa mga lider ng Vietnam.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na magsasagawa ng kanilang state visit si Pangulong Marcos kasama si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa Vietnam sa Enero 29 hanggang 30, 2024, bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Vietnamese President Vo Van Thuong.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibisita si Pangulong Marcos sa Vietnam mula nang maupo siya noong 2022 bilang halal na Pangulo ng Pilipinas at unang outbound state visit para ngayong taon.
“During the visit, the President will meet with leaders of Vietnam, namely President Thoung, His Excellency Pham Minh Chinh, Prime Minister of Vietnam, and his Excellency Vuong Dinh Hue, Chairman of the National Assembly of Vietnam, where discussion on the multi-faceted relationship and ways of exploring deepening cooperation across different fronts will be expected,” ayon kay Daza.
“The President is also expected to meet with business sectors to promote trade and investment relations between the Philippines and Vietnam,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, makakapulong din ng Pangulo ang Filipino community, kung saan bibigyang-diin niya ang “friendly relations” ng Pilipinas sa Vietnam, at maging ang kontribusyon ng komunidad sa positibong imahe ng Pilipinas sa bansa.
Tinatayang may 7,000 Filipino ang nagtatrabaho at nakatira sa Vietnam.
(CHRISTIAN DALE)
225