FRATMAN BINARIL NG BROD SA BATANGAS

BATANGAS CITY – Patay ang isang hospital staff na miyembro ng isang brotherhood fraternity matapos na barilin ng kanyang “brod” sa frat party sa Brgy. Pallocan West sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Delfin Gonday Jr., 42, residente ng Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Felicimo Padilla makaraan ang pamamaril.

Batay sa report ng Batangas City Police, nakikipag-inuman ang biktima sa anniversary party ng Batangas Varsitarian Fraternity, nang makasagutan nito ang suspek na isa sa kanyang mga ka-brod, dakong alas-11:00 ng gabi.

Nagresulta ito sa pamamaril ng suspek sa biktima na tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay. (NILOU DEL CARMEN)

11

Related posts

Leave a Comment