GAGAMIT NG PEKENG VAX CARD HUHULIHIN – PNP

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na maaaring arestuhin o makasuhan ang sino mang magpapakita o gagamit ng pekeng vaccination card.

Ito ay kaugnay sa ipinatutupad ngayong “no vaccine, no ride” na patakaran sa National Capital Region.

“You can be charged [with] falsification of public documents kasi po itong vaccination card is a government-issued public document,” ani PNP spokesperson P/Col. Roderick Alba.

“Pangalawa, if you’re hiding ‘yung health condition mo at pineke mo ‘yung vaccination card, you will be violating Republic Act 11332. So, that is the mandatory reporting of notifiable diseases law,” ayon pa sa tagapagsalita ng pambansang pulisya.

Ayon kay Alba, naging maayos naman ang unang araw ng pagpapatupad ng “no vax, no ride” sa Metro Manila.

Ito ay sa likod ng mga naitalang bahagyang kaguluhan, kalituhan at mga pagtatangkang makalusot sa unang araw ng implementasyon kung saan marami ang nasita, pinagsabihan o pinauwi dahil sa kawalan ng vax card.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayan na naging maayos ‘yung implementasyon ng unang araw ng ating no vax no ride policy,” sabi ni Alba.

“Wala tayong nai-record na untoward incidents at mga nahuling lumabag dito at basically dahil we are on warning phase pa lang tayo, so, we expect na we will fully implement this, ang ating policy na ito in the coming week.”

Kaugnay nito, mahigpit ang tagubilin ng PNP sa publiko na dalhin ang vaccination card kapag lumalabas ng bahay.

Paliwanag ni Alba, ‘yung mga hindi bakunado dahil sa ilang kondisyong medikal ay maaari namang magpakita ng medical certificate.

“Continuous ‘yung aming paalaala sa ating mga kababayan, dalhin palagi ang inyong vaccination card kapag lumabas, at siguruhin natin hindi fake ito…and for those unvaccinated, we’re not saying na you’re not allowed to go out, dahil ayun po sa ating IATF rules they are allowed to go out as long na these are essential activities.”

“However, dapat supported ito ng valid reason. When we say valid reason for example, may comorbidity ‘yung tao, may medical condition, this should be supported by a valid medical certificate, at nakalagay doon ‘yung ma-contact ng ating officers ‘yung doktor na naka-in charge sa kanya,” ayon pa sa spokesman. (JESSE KABEL)

72

Related posts

Leave a Comment