Gagamitin sa pag-epal ni Speaker – vlogger SMUGGLED RICE GAGAWING ‘MALAYA RICE’ NI ROMUALDEZ

SMUGGLED RICE-5

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

LALARGA na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng tinaguriang Malaya Rice na pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayunman, ayon sa vlogger na si Maharlika, smuggled ang mga bigas na ipamamahagi ni Romualdez at ang mga ito umano ay sa tulong ng kaibigan niyang si Michael Ma.

Kahapon, inanunsyo ang gagawing pag-iikot ng lider ng Kamara at DSWD sa mga darating na araw sa iba’t ibang bahagi ng bansa para umano ipamahagi ang cash at rice ayuda sa mahihirap na mamamayan sa gitna ng mahal na presyo ng bigas at iba pang mga bilihin.

Magsisimula sa Metro Manila ang tinaguriang “Malaya Rice Project” sa susunod na linggo na aabot sa higit 3 milyong indibidwal sa buong bansa ang inaasahang makakatanggap ng ayuda mula sa sektor ng mahihirap, senior citizen, person with disability, single parent, at indigenous person.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, “this is an initiative of the House and the DSWD para agad matulungan ang mga naghihikahos na mga kababayan natin habang inaayos ng pamahalaan ang long term solution sa kagutuman at mahal na bilihin”.

Sa vlog ni Maharlika ay ibinunyag nito na ang ipamamahaging bigas ay galing sa smuggler na irerepack at ilalagay sa sako na may logo na Malaya Rice, freedom from hunger.

Kada benepisyaryo umano ay tatanggap ng limang kilong bigas.

Pagbubunyag pa ni Maharlika, ito na ang panimula sa pagpostura ni Romualdez para sa ambisyon nito na tumakbong presidente sa 2028.

Binanggit din ng vlogger na ang logo ng paglalagyan ng ipamamahaging bigas ay MR na siya ring initials ng pangalan ng House Speaker.

Hindi umano alam ng Malakanyang ang galaw ni Romualdez kaya mistulang napaglalaruan nito ang pinsang si BBM.

Dagdag pa ni Maharlika, palalabasing mga donasyon ang ipamamahaging bigas ngunit ang totoo ay mula ito sa mga smuggler.

Sa ulat kahapon, hindi binanggit ni Romualdez kung saan magmumula ang ipamamahagi niyang Malaya Rice.

98

Related posts

Leave a Comment