GIFT-GIVING ISINAGAWA NG MPDFU ADVISORY COUNCIL SA MPD HEADQUARTERS

MAAGANG Pamasko ang handog ng pamunuan ng Manila Police District – Forensic Unit (SOCO) sa mahigit 300 benepisyaryong pamilya sa aktibidad na idinaos sa MPD Headquarters, Linggo ng umaga.

Ang gift giving at feeding program ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Edmar A. Dela Torre, hepe ng MPD Forensic Unit, kasama sina Police Lieutenant Gloria Cortes at Gng. Corazon S. Rodriguez na siyang chairperson ng Advisory Council,

Ang mahigit 300 pamilya ay nabigyan ng libreng gamot, bitamina para sa mga bata, grocery items at almusal. Maging ang mga photographer sa pambansang parke (Luneta Park) ay nabiyayaan din sa nasabing gift giving.

Bago isinagawa ang programa ay nilinis muna ang quadrangle ng MPD ng grupo ni Punong Barangay Manny Nieto ng Brgy. 660-A Zone 71, District 5, Maynila.

Lubos naman ang pasasalamat ng grupo ng MPDFU Advisory Council kay MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa kanyang suporta sa nasabing gift giving na may temang “Ang Pagtulong sa Kapwa Ay Walang Katumbas Na Halaga”.

Kabilang sa mga sumuporta at tumulong sa pagbibigay ng regalo sina Vincent Chan, Andy Co, Eric Hernandez, Alden Aguas, Ashley Palaganas at Jeffrey Cudala na kinatawan ni Jenie Cudala at Michael Pangilinan ng Araullo Senior High School. (RENE CRISOSTOMO)

19

Related posts

Leave a Comment