GINANG, 2 BATA MINASAKER SA CAINTA

TADTAD ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang ginang at dalawang bata sa tinutuluyan nilang apartment sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal  nitong Miyerkules.
Tinukoy ni Police chief Lt.Col. Orlando Carag ang mga biktimang sina Angelica Manaloto, 24 anyos ; Nica Mangi, 4 at Renz Orly Trinidad, 7 taong gulang. Hindi naman nabanggit kung parehong anak ni Manaloto ang mga bata.
Base sa inisyal na ulat, ang kapatid na si Ericson ang nakatuklas sa krimen.
Pinuntahan umano ni Ericson ang mga biktima ngunit nagtaka siya nang maabutan na sarado ang main gate ngunit bukas ang pintuan ng apartment.
Tinawag niya ang kapatid na si Angelica ngunit walang sumasagot kaya pinasok na niya ang unit ng mga ito at doon naabutan na nakahandusay, duguan at wala nang buhay ang mga biktima.
Nawawala umano ang ilang  kagamitan at pera ng mga biktma.
Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang CCTV footages sa lugar.
May person of interest na ang pulisya sa karumal-dumal na krimen. (CYRILL QUILO)
182

Related posts

Leave a Comment