GINANG KUMALAS SA KILUSAN

ISANG 51-anyos na ginang ang kusang-loob na isinuko ang sarili bilang pagtalikod sa magulong pamumuhay sa pag-anib sa communist organization.

Bandang alas-3:40 noong Biyernes ng hapon nang magtungo sa Barangay Hall ng Brgy. 649 sa Baseco Compound, Port Area si Sarah Lagarap y Estoso kasama ang mga tauhan ng Intelligence Operation Section ng MPD Station 13, na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, bilang station commander.

Si Lagarap ay residente ng Brgy. 649 sa Baseco Compound, Port Area.

Ayon kay Lt. Col. Borbe, matagal nang isinasailalim sa surveillance operation ang ginang.

Iniutos ni Lt. Col. Borbe kay P/Cpt. Eduardo Zaragoza Jr., ng Intelligence Section, kasama si Lt. JG Keith Stephen Liwag ng Philippine Navy, at mga barangay official, na dalhin ito sa barangay hall at pumirma sa kasunduan na hindi na nito susuportahan ang kilusang komunista.

Bago lumagda, sumumpa ito sa harapan ng mga awtoridad kabilang si Borbe, na tatalikuran na ang kilusang komunista at nangako na makikipagtulungan sa mga awtoridad na kumbinsihing sumuko ang iba pa niyang mga kasamahan. (RENE CRISOSTOMO)

74

Related posts

Leave a Comment