GINANG SINAKSAK NG 300 BESES NI MISTER

PANGASINAN – Nahaharap sa kasong parricide ang isang security guard makaraang walang-awang pagsasaksakin ng napakaraming beses ang kanyang misis sa bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Mangaldan PNP, patay sa multiple stab wounds ang 39-anyos na ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister.

Base umano sa medico legal examination, umabot sa 300 ang sugat ng biktima mula sa nasabing pananaksak.

Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Zarate Jr., base sa police report, nangyari ang pamamaslang sa loob ng isang inn sa Barangay Bantayan ng nasabing bayan.

Inaalam pa kung bangag sa ilegal na droga ang suspek dahil sa napakaraming saksak sa biktima.

Sinasabing pinaghinalaan ng suspek na may kalaguyo ang kanyang misis kaya humantong sa malagim na krimen ang kanilang pagtatalo. (JESSE KABEL RUIZ)

25

Related posts

Leave a Comment