GINANG SINILBIHAN NG WARRANT SA MCJ

POSIBLENG magtagal pa sa loob ng kulungan ang isang 50-anyos na ginang makaraang silbihan siya ng warrant of arrest sa loob ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si Evelyn Miguel, residente ng 14-A Victoria De Manila sa Taft Avenue, Malate.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-11:00 ng tanghali, iniutos niya ang pagsisilbi ng arrest warrant sa ginang sa loob ng Female Dormitory sa MCJ dahil sa kasong paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 (RA 8042 as amended RA 10022).

Ayon sa ulat ni P/EMS Vicente Mabborang, OIC ng Station Warrant Section, ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime Santiago ng Manila Regional Trial Court, Branch 3, ay isinilbi nila kay Miguel na kasalukuyang nakakulong sa nasabing piitan sa sa kaparehong kaso.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing suspek. Ayon sa pulisya, si Miguel ay top 2 most wanted person sa MPD. (RENE CRISOSTOMO)

1

Related posts

Leave a Comment