GO NAKIISA SA ANIBERSARYO NG ROMBLON

NAKIISA si Senador Christopher “Bong” Go sa pagdiriwang ng 78th Liberation at 122nd Founding Anniversary ng lalawigan ng Romblon noong Huwebes, (Marso 16)— dalawang kaganapan na nagpatingkad sa pagkakaisa ng  mamamayan nito na nagtagumpay sa mga hamon at nagtutulungan upang bumuo ng isang maunlad at masiglang komunidad sa buong taon.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9642, na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang Marso 16 ng bawat taon ay idineklara bilang Romblon Foundation Day. Samantala, ang Proclamation No. 430, na nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino, ay nagdeklara sa Marso 18 bilang araw ng tagumpay ng Romblon laban sa puwersa ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ginanap ang pagdiriwang sa Romblon Capitol Grounds. Kasama ng Senador si Congressman Atty. Eleandro Madrona, Governor Jose Riano, Vice Governor Armando Gutierrez, Romblon Mayor Gerard Montojo at Vice Mayor Marino Mateo.

Pagkatapos nito ay nakiisa naman si Senator Go sa wreath-laying at nag-inspeksyon sa bagong ayos na gusali ng kapitolyo ng probinsya, kung saan suportado nito ang pondo.

Ang senador ay idineklara rin bilang adopted son ng lalawigan sa ilalim ng Provincial Resolution No. 117, na inihain noong Marso 7, na nagpapahayag ng papuri at taos-pusong pasasalamat sa mga makabuluhang kontribusyon ng senador sa pagpapaunlad at pagsulong ng mga medikal na pasilidad, pangangalaga sa kalusugan at serbisyong panlipunan sa lalawigan ng Romblon.

“Salamat po, mga kapatid. Salamat po, itinuring nyo po ako na isang kapatid dito sa Romblon. Bilang inyong adopted son, parang kuya niyo po ako o nakakabatang kapatid (kaya) lapitan niyo lang po ako dahil lagi (akong) handang tumulong sa inyo sa abot ng aking makakaya,” pahayag ni Go sa isang ambush interview pagkatapos ng kaganapan. (RONALD BULA)

106

Related posts

Leave a Comment