GOBERNADOR, ANAK KINASUHAN SA OMBUDSMAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

IPINAGHARAP ng reklamong kriminal at administratibo sa Tanggapan ng Ombudsman si Quezon Province Governor Danilo Suarez at anak nitong si Atty. Joana Suarez.

Ayon ito sa grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. sa pamumuno ni Prof. Salvador Singson-de Guzman.

Ang mga kaso ay kinabibilangan ng accessory to the crime of kidnapping and serious illegal detention with rape, obstruction of justice, accessory to the crime of child abuse at paglabag sa

paragraph (e) sa Section 3 ng Republic Act 3019 o anti-graft and corrupt practices act.

Bukod sa kasong kriminal ay nahaharap din ang mag-amang Suarez sa mga kasong administratibo na kinabibilangan ng Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, Dishonesty, Oppression, and Violation of Paragraph (a,b and c) under Section 4 of RA 6713.

Ang kaso ay isinampa sa Ombudsman noong Oktubre 7, ni ‘Aling Rosario’, 53-anyos, ina ng biktimang itinago sa pangalang Jennyrose na kinidnap, ikinulong at paulit-ulit umanong ginahasa sa isang hotel ni Municipal Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde ng Lopez, Quezon.

Sa affidavit of complaint ni Rosario, pilit umanong inaareglo ni Gov. Suarez sa pamamagitan ng kanyang anak na si Joana ang kasong kidnapping and serious illegal detention with rape at child abuse na isinampa ng biktima kay Yulde.

Sinabi umano ni Atty. Suarez sa mag-ina na magbibigay si Gov. Suarez ng P3-milyong cash bilang kabayaran sa kaso ni Yulde subalit umanggi ang biktima at nanindigan siyang “hustisya ang kailangan niya, hindi pera”.

Naganap umano ang tangkang pag-areglo sa kaso ng biktima noong Setyembre 25 na kung saan pinuntahan ni Atty. Suarez ang mag-ina sa Pasig City sa tulong ni Anamarie Santiago na pinsan ni Rosario.

Sina Rosario at pinsan nitong si Anamarie ay iniharap ni Prop. de Guzman nitong Linggo, Oktubre 10, sa mga kasapi ng Northern Luzon Press and Radio Club, Inc. na pinamumunuan ni Tom S. Oligo, Publisher-Editor ng pahayagang Bulgaran.

Ayon kay Prop. de Guzman, ang pahayag ni Anamarie ay matibay na basehan ng pagkakasangkot sa kaso si Gov. Suarez at anak nito.

Sa reklamo ng biktima, siya ay ikinulong at paulit-ulit ginahasa ni Yulde sa isang hotel sa Rosales, Pangasinan mula Abril 17 hanggang Abril 22.

Kinasuhan na kidnapping, serious illegal detention with rape at child abuse sa Provincial Prosecutors Office ng Rosales, Pangasinan si Yulde noong Mayo 14.

Noong Hunyo 14, ay ipinalabas ni Assistant Provincial Prosecutor Ramil J. Lopez ang resolution sa kaso at isinampa na ito sa Regional Trial Court ng Rosales, Pangasinan na hiwalay ang kasong kidnapping at serious illegal detention with rape na may Criminal Case No. 7345-R at paglabag ng Section 5 (b) Article 111 ng Republic Act No. 7610 na may Criminal Case No.7344-R; Setyembre 15, nagpalabas si Judge Rosely Andrada-Borja ng RTC Branch 53 sa Rosales, Pangasinan ng dalawang warrant of arrest laban kay Yulde kung saan walang itinakdang piyansa sa  mga kaso nito.
Setyembre 20, ay inaresto si Yulde ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detections Group sa pamumuno ni Lt. Col. Ariel Huesca at mga pulis ng Lopez and Catanauan Municipal Police Stations, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company and Regional Mobile Force Battalion in Region 4-A.

161

Related posts

Leave a Comment