GOBYERNO, BABALANGKAS NG IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA RESUPPLY MISSION SA AYUNGIN SHOAL

KINUMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Ano na patuloy ang pagbalangkas nila ng iba’t ibang estratehiya para sa pagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa panayam sa Senado bago ang budget deliberation, sinabi ni Ano na kasama sa kanilang bagong istratehiya ang paggamit ng BRP Melchora Aquino subalit hindi anya ito ang magiging regular nilang aksyon.

Sinabi ni Ano na binigyang laya sila ng Pangulo na bumalangkas ng iba’t ibang mga estratehiya upang mapabilis at matiyak ang matagumpay na resupply mission.

Kasabay nito, pinuri anya ng Pangulo ang Philippine Navy at Coast Guard sa patuloy na paninindigan sa laban sa ating teritoryo sa Ayungin Shoal.

Kinumpirma naman ni Ano na sa pinakahuling pambubully ng Chinese Coast Guard sa resupply mission ng bansa, may mga tauhan ang Coast Guard ang tinamaan ng water cannon habang marami ring pagkain ang nabasa.

(DANG SAMSON-GARCIA)

185

Related posts

Leave a Comment