IKINAGALAK ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdating ni United Nations Special Rapporteur (UN SR) on freedom of opinion and expression, Irene Khan sa Pilipinas para sa isang official visit.
Ayon kay House deputy minority leader France Castro, napapanahon ang pagbisita ni Khan lalo na’t binubusalan ang mga Pilipino na nagpapahayag ng kanilang saloobin sa gobyerno at inaakusahang mga komunista.
“We are glad that UN SR Khan is here to look into the real situation of freedom of expression in the Philippines, especially considering the challenges faced by those who express dissent against the government. There have been instances where individuals who voice out opposition are red-tagged, harassed, or even killed,” ani Castro.
Ayon sa mambabatas, kailangang imbestigahan ni Khan ang gobyerno sa paggamit ng trolls at maging ang mga anti-communist media outlets dahil sa pagpapakalat ng mga walang katotohanang impormasyon at propaganda laban sa mga lehitimong aktibista.
Sinabi ng mambabatas na maraming aktibista ang nasa panganib ang buhay dahil sa inaakusahang miyembro ng komunista dahil sa pagpapahayag ng kanilang saloobin at pagkontra sa mga hindi makataong polisiya ng gobyerno.
(BERNARD TAGUINOD)
154