GOV’T CONSULTANT TIKLO SA CARNAPPING

ARESTADO ang isang 45-anyos na umano’y government consultant na wanted sa kasong carnapping sa lungsod ng Pasig kahapon.

Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro Jr., hepe ng Pasig PNP, ang nadakip na si Joey Marco y Jacinto, binata, ng  Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nicanor Aureus Manalo Jr., ng RTC Branch 161, sa kasong carnapping noong Hulyo 14, 2022 sa lungsod.

Dakong alas-3:30 ng hapon noong Agosto 31 nang madakip ang suspek sa manhunt operation na ikinasa nina P/Lt. Jaylord Estillore ng SDMS, at P/Maj. Ronilo Aquino ng 4th MFC, RMFB ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sa kanyang bahay. (ENOCK ECHAGUE)

Related posts

Leave a Comment