BATANGAS CITY – Nalagutan ng hininga ang isang empleyado ng LGU ng Tanauan City makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Cale, sa nasabing lungsod noong Lunes ng hapon.
Ayon sa report ng Tanauan City Police, dakong alas-5:50 ng hapon, pauwi sa Brgy. Altura South ang 38-anyos na biktimang si Lionel Castillo habang sakay ng kanyang motorsiklo, nang buntutan ito ng mga suspek.
Nang maabutan, pinagbabaril ito ng backrider gamit ang maiksing baril at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang posibleng motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
(NILOU DEL CARMEN)
