HALOS P6-B DROGA SINUNOG SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa P5,968,744,462,01 halaga ng ilegal na droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City noong Biyernes ng umaga.

Kabilang dito ang 274 kilograms ng methamphetamine hydrochloride, o shabu na nakumpiska mula sa Manila International Container Port (MICP) noong Oktubre 6, 2023, at 208 kilograms na Dimethyl Sulfone, isang shabu extender na nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Mabalacat, Pampanga noong Agosto 25, 2023.

Ang sinunog na tambak na droga ay may kabuuang timbang na 1,019,204.7581 gramo, kabilang dito ang 471,478.0639 gramo ng shabu, 312,993.9424 gramo ng marijuana, at 208,909.00 gramo of Dimethyl Sulfone.

Sinunog ang nabanggit na drug evidence sa pamamagitan ng Thermal Decomposition, o thermolysis, isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degrees centigrade na init.

Ang pagsira sa iba’t ibang droga ay pagsunod sa ipinatutupad na panuntunan sa kustodiya at pagtatapon sa nakumpiskang mga droga na nakasaad sa Section 21, Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.

Ang sinunog na mga droga ay kabilang sa nakumpiska sa iba’t ibang buy-bust operation na isinagawa ng PDEA, kasama ang Philippine National Police (PNP), NBI, at iba pa nilang law enforcement counterpart at military units, na hindi na gamitin bilang ebidensya sa korte.

Kabila sa dumalo sa nasabing pagsunog ang mga kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG), local officials ng Barangay Aguado, Trece Martires City, PNP, NBI, non-government organizations (NGOs), at ilang mga mamamahayag.

(SIGFRED ADSUARA)

196

Related posts

Leave a Comment