Hamon sa LGUs GASOLINAHANG MADAYA PARUSAHAN

BUNSOD ng panibagong oil price increase na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis noong Martes, hiniling ng isang mambabatas sa Kamara sa local government units (LGUs) na inspeksyunin ang mga gasolinahan sa kanilang nasasakupang lugar upang masugpo ang mga nandadaya sa mga motorista.

“Gasoline stations that use tampered pumps to defraud motorists should be shut down and their business permits and mayor’s license swiftly revoked,” ayon kay Minority congressman Jose Singson Jr.

Hindi sinabi ng mambabatas kung nakaranas na ito na madaya ng tampered pumps sa mga gasolinahan o nakatanggap ng reklamo sa mga motorista subalit kailangan aniyang mag-inspeksyon ang LGUs upang masiguro na walang nandadaya.

May karapatan umano ang mga LGU na gawin ito dahil noong 2004, naglabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na nag-aatas sa mga ito na regular na inspeksyunin ang mga gasolinahan kung gumagamit ang mga ito ng tampered pump.

“Show no mercy. File criminal charges against those violating the law,” ayon pa sa kongresista kapag may nahuli ang mga ito na nandadayang gasolinahan lalo na’t pataas nang pataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Kabilang din aniya sa DILG order na alamin kung ang mga gasolinahan ay sumusunod sa mga batas kaya kailangan ang regular na inspeksyon sa mga ito ng LGUs.

“Gasoline operators who shortchange their customers who are already facing a double whammy of adverse economic effects of COVID-19 and soaring fuel prices are the worst of people. They should be kicked out of business and jailed,” dagdag pa ng solon. (BERNARD TAGUINOD)

82

Related posts

Leave a Comment