HANGARING pagbabago sa pamayanan ang nagbunsod sa pangunguna ng isang dating Barangay Kagawad ng kamtin ang malaking pagtangkilik ng botante kaysa dalawang katunggali nitong kandidato sa pagka Kapitan ng Barangay Dolores sa bayan ng Taytay, batay sa isang non-commissioned survey na isinagawa ng Eidiya Corporation.
May 1,845 selected registered voters ang lumahok sa survey at nakamtan ni Inye “Tolkap” Pacleb ang 49 porsiyento pagtangkilik ng mga responde, nakakuha si Rupe Tapawan ng 30% habang si DI Cayton na ay 12%, at may 10 % ang undecided.
Masisipi ang pangunguna ni Pacleb ng 19% agwat ng boto bilang most preferred candidate nang makopo nito ang may 49% preference at si Tapawan ay pumapasok sa pangalawa na may 30% kagustuhan ng responde mula sa resulta ng survey sa pitong clustred area, magkakatabing lugar sakop ng naturang barangay.
Sa awareness rating ng botante ay nanguna pa rin ang kandidatong si Pacleb na nakakuha ng pinakamataas na kamalayan sa pagtakbo para sa Barangay Chairman na may 89% Awareness Rating. Malapit sa pangalawa si Rufe “Roy” Tapawan na may 78% na kamalayan at pumapasok sa pangatlo ay ang DI Cayton na may 61% na kamalayan. May tatlong porsiyento ang wala o salat sa kabatiran ang botante.
Hango sa sagot ng respondents sa questionnaire, ginusto nila si Inye Pacleb dahil sa kanyang pagiging matulungin kaya nakamit nito ang 23% kagustuhan. Sa kabilang banda, si Rufe Tapawan ang pinakapaboran dahil sa kanyang karanasan sa pulitika. Gayunpaman, isang malaking porsyento ng mga residente ang nagnanais ng pagbabago sa pamumuno dahilan sa pagpili nila kay Pacleb (19%) at Cayton (15%).
Ipinuntong dahilan ng respondents, ang pagiging matulungin at madalas na nakikita sa pamayanan ay ang pinakamagandang katangian ni Inye “Tolkap” Pacleb na nagbunsod sa kanyang pag-angat sa survey at pagkamit niya ng 23% pagsang-ayon.
Mababatid na noong kasagsagan ng pandemyang Covid-19 ay binansagang “milkman” si Inye Pacleb sa pamamahagi nila ng gatas sa bawat pamilya. Katuwang niya si Allan de Leon, dating kapitan ng barangay Dolores, sa pamamahagi ng ayuda.
Nagsilbi si Pacleb bilang Executive Assistant and Barangay Sports Head sa tanggapan ni Taytay Mayor Allan Martine S. De Leon. Si Pacleb ay aktibong opisyales ng Gabay De Hijos Nazareno – Taytay chapter.
Bahagi ng lalawigan ng Rizal ang bayan ng Taytay na mayroon itong limang barangay kabilang dito ang Brgy’s. Dolores (Poblacion), Muzon, San Isidro, Sta. Ana at San Juan. Kilala ang Taytay na bilang Garments Capital ng Pilipinas.
420