HIGIT 6K ANTI-COVID TABLETS IPAMAMAHAGI SA MGA OSPITAL SA MAYNILA

IPAMAMAHAGI na ang 6,600 tableta ng Anti – COVID drug na Baricitinib makaraang tanggapin nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Doktora Honey Lacuna – Pangan  nitong Biyernes, para sa mga pasyenteng nakararanas ng moderate to severe symptoms.

“Pumanatag kayo dahil kasama niyo kami ni Vice Mayor Honey Lacuna at ang buong pamahalaang lungsod ng Maynila dito sa ating kinakaharap na pandemya,” pahayag ng alkalde.
“Patuloy kaming magsisikap na maging mainam, masinop, at episyenteng mga lingkod-bayan,” dagdag pa nito.

Ayon sa US Food and Drug Administration, nakita na mayroong 29-day shorter recovery time sa isinagawang clinical trials sa COVID-19 patients na binigyan ng gamot na baricitinib kasabay ng remdesivir.

Magagamit ang Baricitinib sa anim na ospital sa lungsod– Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Tondo, maging sa Manila COVID-19 Field Hospital. (RENE CRISOSTOMO)

2

Related posts

Leave a Comment