HIRIT NA DAGDAG PASAHE ‘DI LULUBAYAN

MULING humirit ng dagdag pasahe ang ilang transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Iginiit ng grupong Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na lagyan ng “surge fee” ang pamasahe sa Traditional at Modern Public Utility Jeepney (PUJ) at Public Utility Bus (PUB).

Nabatid sa petisyon, hiling ng transport groups na lagyan ng dagdag-pasahe sa kada kilometrong biyahe tuwing rush hour o peak hours. Bunga nito, magiging dalawang piso na ang dagdag na pasahe sa mga jeepney kapag rush hour.

Gayunman, isinasantabi muna ito ng LTFRB upang mahimay ang mga puntong inilatag ng transport groups sa naturang petisyon.
Patuloy ang LTFRB sa pag-aaral ng mga petisyong inihahain sa ahensya at iba pang mga polisiya para sa kapakanan ng mga driver, operator, at mga pasahero. (PAOLO SANTOS)

6

Related posts

Leave a Comment