HISTORY SUBJECTS IBINILIN NI PBBM KAY ANGARA

KINUMPIRMA ni Senador Sonny Angara na kabilang sa naging tila marching order sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pagsasaayos ng pagtuturo ng Kasaysayan o History sa mga estudyante.

Sinabi ni Angara na nais nilang maging interesting o kaaya-aya sa mga estudyante ang pag-aaral ng kasaysayan bukod sa dapat itong nauunawaan at hindi lamang panay ang pagkakabisado.

Nais ding tutukan ng incoming DepEd Secretary ang pagpapatuloy sa pagsasaayos ng curriculum sa basic education at ang pagbabawas ng teaching loads ng mga guro.

Sa gitna ng mga ito, aminado si Angara na malaking hamon sa kanya ang nakatakda niyang panunungkulan bilang kalihim ng DepEd.

Dahil dito, hihingi anya siya ng tulong sa mga eksperto sa larangan ng edukasyon at maging sa mga dating nanilbihan na bilang DepEd Secretary.

Hhilingin din anya niya ang payo ng mga dati na rin niyang nakasama sa Senado at naging bahagi na ng gabinete. (DANG SAMSON-GARCIA)

27

Related posts

Leave a Comment