HITMAN NG NEGOSYANTE SA LAGUNA, ARESTADO

0

LAGUNA – Arestado ang umano’y hitman na sangkot sa pamamaril sa isang negosyante sa Calamba City noong Miyerkoles.

Nilalapatan pa ng lunas sa ospital ang biktimang si Elpidio Fernandez, 51-anyos, ng B3, L1, PH1, South Ville 6, Barangay Kay-anlog, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Ayon sa ulat kay P/Col. Arnel Pagulayan ng Calamba City Police Station, nakita sa CCTV footages ang pamamaril sa biktima ng suspek na si John Marco Sandoval at isang kasama nito noong Setyembre 15 habang sakay ng motorsiklo bandang alas-3:15 ng hapon.

Nang matukoy ng mga awtoridad ang suspek, agad nagsagawa ng manhunt operation sa kinaroroonan nito na nagresulta sa pagkakadakip kay Sandoval.

Nakumpiska sa suspek ang motorsiklo at isang cal. 45 na ginamit sa pamamaril gayundin ang sari-saring pekeng ID na may iba’t ibang pangalan.

Base sa record ng pulisya, mayroong nakabinbing apat na warrant of arrest ang suspek sa kasong murder, homicide, direct assault at usurpation of authority.

Nakakulong na ang suspek habang pinaghahanap pa ang ilang kasama nito sa krimen. (CYRILL QUILO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment