HONORARIA SA ELEKSYON, PINALILIGTAS SA BUWIS

ILANG buwan bago ang 2022 National Elections, inihain ni Senador Leila de Lima ang panukala para i-exempt sa buwis ang honoraria, allowance, at iba pang financial benefits ng mga taong maglilingkod sa eleksyon.

Sa kanyang Senate Bill (SB) No. 2456, iginiit ni De Lima na dapat exempted na sa buwis ang mga benepisyo sa pagsisilbi sa halalan dahil sa hirap ng kanilang dinaranas.

“In order to allow poll workers to fully enjoy the fruits of their labor and in recognition of their notable and honorable service to the Filipino people, even in hazardous environments during election seasons, this bill seeks to exempt from income tax, compensation given to persons rendering service during an election period for national or local elections,” diin ni de Lima.

Sinabi ni De Lima na bagama’t may natatanggap na kompensasyon ang mga nagsisilbi sa halalan, hindi naman ito nakakaligtas sa buwis.

“This hard-earned income, which in many cases is barely enough to cover the daily needs of these individuals, also becomes the price for their safety and lives,” dagdag ng senador.

Ipinaalala ni De Lima na mahalaga ang papel na ginagampanan ng poll workers dahil kadalasan silang tinatawag na frontliners sa eleksyon.

“Sa pagsusulong ng panukalang batas na ito, maibalik man lang natin ang nararapat na serbisyo at benepisyo sa ating mga kababayan na nagsisikap at itinataya ang kanilang panahon at kaligtasan bilang mga katuwang sa maayos na halalan,” diin ni de Lima. (DANG SAMSON-GARCIA)

1

Related posts

Leave a Comment