HONORARIUM NG POLL WORKERS NAIS ITAAS

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) na itaas ang honorarium ng poll workers ng hanggang P10,000.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nararapatan nang taasan ang honorarium para sa poll workers, simula sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ayon sa opisyal, gagawa ang Comelec ng paraan upang maging P10,000, P9,000, P8,000 ang matatanggap ng poll workers sa araw ng halalan.

Paliwanag ni Garcia, ang planong madagdagan ang honorarium ng mga manggagawa sa halalan ay dahil manual na idaraos ang botohan.

Ang karaniwang natatanggap ng poll workers tuwing botohan ay P6,000 sa chairman, P5,000 sa members at P4,000 sa nagtatrabaho sa presinto. (RENE CRISOSTOMO)

29

Related posts

Leave a Comment