HR ni Rep. Valeriano ‘di umubra sa sigasig ni Atty. Lopez AYUDA DUMALOY NA SA MANILENYO

MISTULANG sampal sa House Resolution ni Congressman Rolando Valeriano ang pagbuhay sa ayuda sa mga maralitang Manilenyo matapos kumilos si Atty. Alex Lopez at idinulog ito sa mga opisyal ng pamahalaan.

Dumaloy ang DSWD-AICS at DOLE-TUPAD nitong linggo para ituloy ang layunin ng political party ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maisalba ang programang pangmahirap na gustong ‘barilin’ ng kongresista sa Kamara.

Magugunitang galit ang sumalubong kay Cong. Valeriano mula sa mga benepisyaryo makaraan nitong umepal at magsampa ng House Resolution No. 84 sa Kongreso na humihiling na imbestigahan ang pagbaba ng mga ayuda dahil nagagamit aniya ang pondo sa pulitika.

Nagpahayag ng matinding pagtutol ang mga apektadong benepisyaryo at naglabas ng kanilang mga sentimyento.

“Sana naman marunong umintindi si Valeriano na maraming kinakapos at kailangan ng Manilenyo ang ayuda galing gobyerno,” saad ni Mr. Jhoven Cruz ng district 3.

“Hindi naman galing sa kongresistang ‘yan ang ayuda bakit hinaharang. Mahal na presidente huwag n’yo po hayaan magtagumpay si Valeriano,” apela naman kay Pangulong Marcos Jr. ng isa pang benepisyaryo.

Sina Atty. Lopez at Senator Imee Marcos ang nagtulak para bumaba ang ayuda sa Manilenyo nitong buwan ng Abril at Mayo para maibsan ang kakapusan ng bawat pamilya sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin maging ang pamasahe.

Determinado si Atty. Lopez na ituloy ang programa para sa Manilenyo gaya ng adhikain ng ama na si dating Mayor Mel Lopez na huwag pabayaang magutom isa man sa mga pamilyang nasa loob ng Maynila.

Nitong Lunes, kumilos na rin si dating Congressman Harry Angping para maibaba ang ayuda sa mga tao. (JULIET PACOT)

68

Related posts

Leave a Comment