HUBAD NA BANGKAY NG BABAE, P8-M SHABU NADISKUBRE SA CAVITE

CAVITE – Nadiskubre ng mga operatiba ng Cavite Police ang tinatayang mahigit P8 milyong halaga ng umano’y shabu nang magresponde ang mga ito hinggil sa natagpuang bangkay ng isang babae sa isang bahay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang 30-35 anyos, natagpuang walang buhay at walang saplot sa katawan habang nakahiga sa kama sa isang bahay sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite

Ayon sa ulat, dakong alas-10:10 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang babae sa nasabing barangay.

Agad nagresponde ang pulisya kung saan naabutan ang walang saplot na bangkay ng isang babae.

Ngunit sa isinagawang pagsisiyasat sa lugar, nadiskubre ng mga awtoridad sa kabilang kuwarto ang tinatayang 1.2 kilograms ng shabu na P8,160,000 ang street value.

Kasalukuyan pang pinoproseso ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

389

Related posts

Leave a Comment