HUSTISYA GIIT SA PINATAY NA BUSINESSWOMAN SA DAVAO

WALANG plano ang Gabriela party-list group na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Kamara, na tantanan ang kasong pagpatay sa model at negosyanteng si Yvonne Chua Plaza sa Davao City lalo na’t isinasangkot ang dating commander ng Presidential Security Group (PSG) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“We join calls for justice and for a thorough and impartial investigation on the case, and urge that no sacred cows will be spared,” ayon sa grupo ni Brosas matapos makaladkad ang pangalan ni Brig. Gen. Jesus Durante III.

Base sa mga report, malapitang binaril ang 38-anyos na si Yvonne ng hindi pa kilalang suspek sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. Tugbok, Davao City noong Disyembre 29.

“A Facebook post, which tagged AFP 1001st Brigade Commander Jesus Durante III for the attack, has since gone viral and invited serious questions on the worsening violence against women perpetrated by uniformed personnel in the country,” dagdag pa ng grupo ni Brosas.

Labis itong ikinabahala ni Brosas dahil sa mga naunang report ukol sa umano’y pananakit ni Durante sa biktima noong Abril 2022 na kanya ring binawi kalaunan.

Itinanggi naman ni Durante na may kinalaman ito sa pagpatay kay Chua na kanya umanong kaibigan at naghahangad din na mabigyan ng hustisya ang biktima. (BERNARD TAGUINOD)

54

Related posts

Leave a Comment