ICC PAPASUKIN PARA SUMIPA NEGOSYO – SOLON

HINDI papasok ang mga pangakong negosyo ng mga dayuhang kapitalista kung hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang International Criminal Court (ICC) na mag-imbestiga sa giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, walang kahihinatnan ang mga investment pledges na nasungkit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung patuloy na binabalewala ng administrasyon ang karapatang pantao.

Mungkahi ni Lagman kay Marcos, payagan makapasok ang ICC.

Bukod sa usapin ng ICC, hinikayat rin niya ang Pangulo na palayain si dating Senador Leila De Lima mula sa anim na taong pagkabilanggo dahil sa gawa-gawang kaso.

“The contumacious refusal of the Philippine government to submit to the clear jurisdiction of the ICC makes the Philippines a renegade in the community of nations and deters foreign investors from coming in,” ani Lagman.

Paalala ng mambabatas sa Pangulo karamihan sa mga bansang binisita para humikayat ng mga kapitalista na magnegosyo sa Pilipinas ay pawang miyembro ng ICC.

Taliwas naman ang posisyon ni Marcos. Kamakalawa, naglabas ng pahayag ang Pangulo laban sa ICC. Ayon kay Marcos, wala dahilan para payagan ang ICC na ituloy ang imbestigasyon dahil umiiral naman aniya ang hustisya sa bansa – bagay na kinontra ni Lagman, kasabay ng patutsada hinggil kawalan ng ‘kahit isang kaso’ laban kay Duterte dahil sa tulog na departamento – ang Department of Justice.

“Second, order the public prosecutors to withdraw their feeble opposition to former Senator Leila de Lima’s petition for bail,” ayon pa kay Lagman na kasama sa partido ng detenidong dating senador.

Pagsapit ng Pebrero 24, eksaktong anim na taon nang nakakulong si De Lima.

“The release of De Lima after almost six years of odious incarceration will bolster the government’s claim of adherence to human rights and the rule of law and will convince investors that they will have a safe haven in the country.” (BERNARD TAGUINOD)

146

Related posts

Leave a Comment