IKA-122 ANIBERSARYO NG MPD DINALUHAN NG MGA DATING OPISYAL

SA unang pagkakataon, nagkasama-sama ang mga naging director ng Manila Police District nang dumalo ang mga ito sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng police district sa Headquarters nito sa United Nations Avenue, Ermita, Manila, Martes ng umaga.

Sa unang bahagi ng pagdiriwang, binigyan ng arrival honor sina Manila Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Sinundan ito, alas-7:45 ng umaga ng wreath-laying ceremony na pinangunahan nina MPD Director PBGen. Andre P. Dizon, Mayor Lacuna at PNP Chief Azurin Jr. bilang pagpupugay sa mga yumaong kaanib ng Manila police.

Ginanap ang ikalawang yugto ng okasyon sa Century Park Hotel kung saan nagbigay pugay at nagpasalamat sina Azurin at Dizon sa mga dating District Director ng MPD na sina Gen. Efren Fernandez (ret.), Former PNP Chief General Avelino Razon (ret.), Gen. Pedro Bulaong (ret), Gen. Danilo Abarsoza (ret), General Roberto “Boysie” Rosales (ret), Gen. Roberto Rongavilla (ret), Cavite Coun. Gen. Alex Gutierrez (ret) at Gen. Rolando Nana.

Sa kanyang pananalita, binigyang diin ni Azurin ang kanilang programa na Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran at maging ang inilunsad na BIDA o Buhay Ingatan Droga ay Ayawan, upang magpatuloy ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa kapulisan.

Bahagi rin ng programa ang pagbibigay parangal sa mga pulis mula sa iba’t ibang istasyon ng MPD kabilang sina PLt. Alma Dimasupil ng Barbosa PS. 14, bilang PCR PNCO of the Year; PEMS Nino Simbajon ng PS 14, Finance PNCO of the year; PCapt. Dennis Turla, hepe ng Homicide-Case Manager of the year.

Naging Station of the year ang MPD Raxabago PS1 sa ilalim ni PLt. Col. Rosalino Ibay Jr. at PCP of the year naman sa ilalim ni PCapt. Allan Rosca ang Padre Algue PCP-sakop ng Station 2 ng MPD. (RENE CRISOSTOMO)

208

Related posts

Leave a Comment